Mon, 21 Jan 2019
6
Vancouver

LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 11 (PIA) - Kasabay sa isinagawang Trainers' Training for Speakers' Bureau on Disability Rights Promotion sa lungsod kamakailan, pinapaabot din ng mga persons with disability (PWDs) sa pamahalaan ang pagpapatupad ng permanenteng posisyon para sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at pinakiusapan ang Civil Service Commission (CSC) na babaan ang kwalipikasyon para sa nasabing posisyon.

Ayon kay Ramita Castro, ang PDAO-designate sa Dinagat Island, nangunguna sa kanilang issues and concerns ang implementasyon ng PDAO sa ibat-ibang lugar sa rehiyon.

Ganun din ang pangunahing issue na nakita ni Hernane Dublin Jr, PWD Federation President sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Pagkakaroon ng office sa PDAO naman ang ninanais ni Pablo Manding, regional PWD president mula Surigao del Sur.

"Kailangan namin yung office para may lugar kami kung para sa gagawing meetings. Mas mabuti nariyan lang ang office at may mai-designate na tao," sabi ni Manding.

Ibinahagi rin ni Rizalio Sanchez, information, education and communication division chief ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang kanyang opinyon tungkol sa isyung ito at pinakiusapan ang CSC at Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyang atensyon ang panawagan ng PWDs at matugunan ang kanilang pangangailangan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Minerva BC Newman, former regional director ng Philippine Information Agency (PIA) Region 7, ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga PWDs at kontribusyon nito sa peace and development efforts ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, malaking tulong para sa sector na ito ang isinagawang pagsasanay ng kanilang kakayanan sa pagiging effective communicators upang mas lalo pa umanong mapaabot sa publiko at sa mismong sektor ang mga karapatan nito.

Matapos ang nasabing pagsasanay ay mas naging kampante at nadagdagan pa ang tiwala nila sa sarili.

(JPG/PIA-Caraga)

Sign up for Vancouver News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!